
“Kultura.” Ano nga ba ang salitang ito?
Isang salita ngunit napakaraming inilalarawan. Lagi itong kaakibat ng bawat bansa sapagkat isa ito sa dahilan kung bakit nagkakaisa ang mga mamamayan. Ipinapasa rin ito sa bawat henerasyon, galing sa konsepto ng ating mga ninuno na may halo ng iba’t-ibang kultura ng mga bansang sumakop sa atin.Napakayaman ng ating kultura halina’t talakayin natin.
Kultura sa Pilipinas
~Wika~

-Isa ang wika sa pinakamahalaga sa ating kultura sapagkat ito ang ating ginagamit sa ating pag uusap sa araw-araw. Ang Filipino ay ang ating pangunahing wika, nakapaloob dito ang wikang Tagalog, Bisaya, Kapampangan, Ilokano, Bikolano, at iba pa
~Tradisyon, Paniniwala, at Kaugalian~
-Ang mga Pilipino at sadyang masunurin at mapaniwalain pagdating sa usapin ng mga nakagawian at mga pamahiin na kahit nagpasalin-salin na, ay pinaniniwalaan at sinusunod pa rin ng nakararami.
Tradisyon
Simbang Gabi

Paniniwala
Mga paniniwala sa mga Elemento at iba pa.

Kaugalian
Pagmamano at paggamit ng “po” at “opo”

~Pagkain~

-Mahilig ang mga Pilipino na kumain, kung kaya kilala na tayong mga Pinoy sa mga masasarap na lutuin natin. Lagi rin silang nakalilikha ng mga panibagong putahe na tiyak bubusog sa ating kumakalam na sikmura.
~Sining, Musika, at Laro~
-Kung susumahin ang mga Pilipino ay napakamalikhain, may talento at may hilig sa sining at musika. Kung kaya mas pinalilinang natin ang ating angking mga galing. Mataas rin ang ating interes sa paglalaro, maging sa makabagong teknolohiya at makalumang mga laro.
Sining-Sayaw
Tinikling

Musika-Kanta
Ang Huling El Bimbo

Laro
Piko

~Pambansang Kasuotan~

-Di rin tayo magpapahuli sa fashion sapagkat meron tayong mga maabilidad na mga designer at mga mananahi na gumagamit ng lokal na raw materials sa paggawa ng kasuotan
Dito nagtatapos ang ating pagtalakay sa Kultura sa Pilipinas. Laging tatandaan “Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan, buhayin, at linangin”